Anonymous disse: ate kat, alam nyo po ba kung san nbili ng bf mo un tshirt nya na is in a relationship my gf likes this? gsto ko dn po c bili ang bf ko. meron po ako is in a relationship, my bf likes this. para po sana couple shirt. hehe. thankyou.:))
Saan mo nabili ba ung sa’yo? Hindi ko alam saan eh. Haha. Hindi ko man tinanong.
Ang sarap talagang mahalin ‘yung lalaking alam mong mas mahal ka. Nandyan siya palagi sa tabi mo tuwing kailangan mo siya. Hindi ka nahihiyang magsabi tuwing may pinoproblema ka. Lagi siyang andyan para damayan ka. ‘Yung tipong kahit saan mo dalhin, wala siyang reklamo. Kahit mumurahin lang ‘yung kakainan niyo, eh bet na bet pa rin niya, basta sabay kayong kakain. At syempre, lahat ng kaibigan mo, ay kinakaibigan rin niya. Lahat ng taong mahal mo, ay minamahal din niya. Kapag natagpuan mo na siya, papakawalan mo pa ba?
Ang sarap talaga magkaroon ng boyfriend na makulit at joker, pero seryoso sa relasyon niyo. ‘Yung kayang sabayan lahat ng trip mo kasama ng mga kaibigan mo. ‘Yung kaya ka niyang ituring na best friend pero parang asawa ang pagmamahal sa’yo. ‘Yung nagagawa niyang tumingin sa ibang babae, pero ibubulong niya pa rin sa’yong, “Mas maganda ka pa dun.” ‘Yung walang sawang yayakapin ka, kukulitin ka, kukurutin ilong mo pati cheeks mo. Siya ‘yung boyfriend na walang sawang nang-aasar sa’yo, marunong mag-sorry kapag inis na inis ka na, hahalikan ka niya para ‘di ka na magtampo. At pinaka-ayaw niya sa lahat, hindi siya pumapayag na gumimik ka, lalo na kung ‘di siya kasama. Nahanap ko na ‘yung taong ‘to. Kaya’t napaka-swerte ko, dahil nag-eexist pa rin pala ang taong tulad niya. :”>
(via missgirlinlove)
kunwarimaganda disse: Ate Kat, pano mo malalaman kung may gusto pala sayo yung isang lalaki? Let's say malandi sya sa iba pero pagdating sayo parang natotorpe sya?
Hindi dahilan ‘yun para masabing may gusto siya sa’yo. Minsan, makikita mo sa kilos niya. ‘Yung kilos na magsasabing gusto ka talaga niya.
Anonymous disse: ate kat, pano yun? Mahal namin isa't isa pero natotorpe sya. Atsaka natatakot siya na baka madaming magalit sakin kapag naging kami. :( Dapat bang maging kami o hindi? :((
Aba, ba’t niyo aalahanin ‘yung sasabihin ng ibang tao? Baket? Kasama ba sila sa relasyong bubuuin niyo?
Anonymous disse: Ate kat, kakabreak lang po namin ng bf ko.. Ako po yung nakipagbreak sakanya kasi po sobrang nahihirapan na ko... Tapos last February po mas naging close kami nung guy na friend ko. Tapos naging crush ko na po siya nun, hanggang ngayon po crush ko siya.. Lagi kaming magkausap at minsan umaalis kami ng kaming dalawa lang. Sa tingin niyo po ba may feelings din siya sakin? At saka po dati, gusto niya kong ligawan. Hehe~
Dati? Eh ngayon gusto ka niyang ligawan? Hindi mo masasabing may feelings ‘yung isang tao sa’yo hangga’t hindi niya naipapakita ‘to at naamin sa’yo. Kung dahil lang sa nagdedate kayo, nagkakausap kayo ng matagal at magkasama palagi, hindi mo masasabing may gusto na ‘yung tao. Sa panahon kasi ngayon, kelangan matotohan ang kanilang panloloko kaya nag-effort sila pakunwari…
Anonymous disse: Hello Ate Kat :) May Ex po ako. 5 Months po naging kami. Then 2 Months na po kaming split. Naki-pag break po ako ng hindi ko po sinasabi ung reason ko kasi alam ko naman na alam nya yun. Pero po habang tumatagal parang nagsi-sise ako sa ginawa ko. Di po ako maka-pag move-on. Ano po ba dapat kong gawin? San ko po ba pwedeng ituon ung atensyon ko? Salamat po.
Lagi namang ganyan eh! Kung sino pa nakipag-hiwalay, sila pa ‘yung may lakas na loob na masaktan. Kaloka! Wala, pagsisihan mo nga ‘yan… Hindi ka kasi nagisip ng mabuti, bago mo ginawa ang bagay tulad nyan. Palipasan mo na lang.
Anonymous disse: Hi miss katrina rose. :) There's this guy na matagal ko nang mahal. Almost buong school year kaming mag ka-chat, mag ka-kwentuhan, yung parang may something pero wala naman talaga. Siguro nag-aassume lang talaga ako. Para kasing may gusto din siya sakin kasi kung wala, bakit siya makikipag usap sakin everyday ng almost 6 hours kahit may pasok? And ako yung first dance niya nung prom. Pa-fall siya? Last month nalaman kong may gusto siyang iba. Any advice para mapigilan na po yung sakit? T_T
Hindi mo naman mapipigilan ‘yung sakit eh. Syempre, at one point in time, minamahal mo siya diba? Oo, paasa at pa-fall siya. Sa mga taong ganyan tayo kung tratuhin, dapat nagiingat tayo eh. Hindi bsta-bsta minamahal ‘yung mga taong ganyan, kaya sa bandang huli, tayo ‘yung nsasaktan. Days will pass, makakalimutan mo ‘yung sakit… Makakalimutan mo din siya.
Anonymous disse: Hello Ate Kat. ask ko lang po... 10 months na po kami ng bf ko, kaso po nagkatampuhan kmi nung isang araw. last last week lang po. hindi po kasi sya maeffort eh. yung pag nagkakagalit kami ay, ako pa rin po ang inaasahan nyang mag open up para magkaayos. Babae naman ako ate kat, lam nyo yung feeling na gustong gusto nating mga girls ang sinusuyo at binibigyan ng todosuper effort para lang maging okay kayo. 1 week na po kming di nagkakausap about our love at happenings. what will i do po? thanks.
1 week? Asahan mo ng 1 month, 1 year, o araw-araw makakaya niyang ganyan siya sa’yo… Gusto mo ba ‘yon? Isa pa, hindi tamang ganyan. Hindi fair, masyado ka niyang inaabuso. Hindi dapat minamahal ‘yung mga taong ganyan. Sa umpisa lang ma-effort. Tskk…
Anonymous disse: Ate Kaaaaaaaat! Naguguluhan akoooo. Di ko alam kung gusto niya ba talaga akoo ano. Sinasabi niyang gusto daw niya ako. Dko malaman kung biro ba o ano. Tas one time, hinalikan niya ako. Nagulat ako. Sinabi ko rin to sa bespren ko. Nung tinanong ko kung sino nililigawan ni boy, ang sagot niya sakin, "Marami yung nilalandi ngayon." What should I do ate Kat? </3
Magtigil ka na kaka-assume na gusto ka niya! “MARAMI ‘YUNG NILALANDI NGAYON” At isa ka na dun! Papalandi ka ba ha? Masasaktan ka lang…
Anonymous disse: ate kat, paano po kung yung crush mo ay magiging classmate ng best friend mo? at natatakot ka na baka maging sila na o ano? :((
Oh eh wala kang magagawa, love story nila ‘yun… Tanggapin mo na lang, makinig ka na lang sa love story nila lol
Anonymous disse: Do you consider this as a relationship? As in yung "naging-boyfriend-siya-type"?: Nanligaw siya sa text. Sa text lang din kayo nag uusap. No calls, text lang talaga. Never pa kayo nagkaroon ng real conversation in person. 13 days lang kayo. And nakipagbreak siya through text. And he's your first boyfriend. So.. do you consider that as a relationship? I mean, what do you say when people would ask you kung ilan na naging boyfriends mo, i co consider mo ba siya as one? Thanks Miss Katrina.
Relationship pa din ‘yan. May communication, may fights, may pinaglalaban, may nangyaring panliligaw, may pagkakaintindi kayo sa isa’t-isa eh. Kasi kung ako, hindi ako makikipag-relasyon through text lang. I never dreamed of a relationship like that. Kaya asahan mo ng hindi mag-lalast ‘yan.
Anonymous disse: Ate Kat may itatanong lang po sana ako. Ano po yung tawag sa gupit niyo nung mahaba pa po yung buhok niyo? Sana po makareply kayo. Thank you po and God bless :-)
V-cut hairstyle
Anonymous disse: Ate kat, bakit ganun, ako yung tinetext ng First Love ko at hindi yung girlfriend niya? :|
Oh, niloloko niya girlfriend niya… At lolokohin ka rin niya.
Anonymous disse: Ate Kat, ano pong gagawin ko? Kasi pinagpalit ako ng ex sa isang super close friend ko na parang kapatid ko na. Inis na inis na talaga ko dun sa ex ko, alam nya namang close kami ng sobra.
Alam mo, kung tunay na kaibigan ‘yan, hindi niya papatulan ang ex mo. Kahit kailan hindi magandang patulan ang ex ng isang kaibigan eh. Wala kang dapat gawin, kundi ang hayaan sila. Wala siyang kwentang kaibigan.